[ inside the cell ]

the things i want to have. the person i want to be. the ideas i wish everyone could hear. the passages i would really want to end. the accidents that have been happening. the predictions that's beyond reality. i want to be free, free of judgment, free of ridicule. i want to be myself, be true and nothing more. i want to be with you, hold you in my arm until i die. i want to die smiling, so the world will know how happy my life had been.

Tuesday, March 31, 2009

AYOKO

nalulungkot ako ngayon, siguro kasi pakiramdam ko wala na kong nagagawa na kahit ano para sayo...pakiramdam ko napapabayaan na kita.

wala akong kwenta, maramot ako paminsan-minsan, ni hindi ko alam kung ang mga bagay na naibigay ko sa iyo noon at mga naipakita ay sapat na para ipaalam sa'yo kung gaano ako kasaya na makasama ka.

bhie, natatakot ako...kaya natin 'to di ba? sabihin mo pong kaya natin 'to mapapanatag ang loob ko...mahina ba talaga ako? o dahil mahal kita ng sobra kaya natatakot ako na baka dumating yung araw na wala ka na sa tabi ko. mamamatay ako n'on, totoo yon, siguro iisipin ng iba na kaartehan lang yung sinasabi ko, pero pakiramdam ko talaga mamamatay ako pag sinabi mo sakin na ayaw mo na kong makasama at hindi mo na ko kailangan.

nagaalala ko sa'yo, kasi mahalaga ka sakin ng sobra-sobra, sana hindi mo yun masamain kasi ayoko lang sana na may mangyaring masama sayo, gusto ko lagi kang nasa mabuti, na kahit hindi kita nababantayan o naaalagaan, kahit papaano alam ko na nasa mabuti kang kalagayan, malayo sa kapahamakan at hindi gumagawa ng kalokohan.

mahal na mahal kita...mahal na mahal.