[ inside the cell ]

the things i want to have. the person i want to be. the ideas i wish everyone could hear. the passages i would really want to end. the accidents that have been happening. the predictions that's beyond reality. i want to be free, free of judgment, free of ridicule. i want to be myself, be true and nothing more. i want to be with you, hold you in my arm until i die. i want to die smiling, so the world will know how happy my life had been.

Tuesday, April 21, 2009

una siya, ano laban ko?

humupa na siguro ang emosyon ko, pero naiinis pa rin ako at nagseselos.


bakit ganun na lang siya kataranta pag siya yung pinaguusapan, pakiramdam ko siya talaga yung taong ninanais niya talagang makasama, at yun ang nagpapalungkot sa akin ngayon, mali ba ito? ang magalit ako at maiyak dahil ang kasintahan ko ay tuwang-tuwa nang makita niya ang babaeng pinapangarap niya? hindi naman siguro, kasi nasaktan talaga ako sa sinabi niya. sa mga sinabi niya.


parang bigla ako nawala sa buhay niya, parang nabura ako ng tuluyan, at hindi ko matanto kung gaano yun kasakit, kahit na sino siguro ganoon ang masasabi.


nabanggit ko na sa iyo ang tungkol doon di ba? sinabi ko na sa iyo na dalawa sila na talagang pinagseselosan ko at isa siya doon, dahil alam kong gustong-gusto mo siya at wala akong magawa tungkol doon. matagal na siya sa buhay mo, samantalang ako kailan lang, ano nga naman ang laban ko...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home